Friday, June 30, 2017

LIMANG PARAAN KUNG PAANO MAKATUTULONG NA MAPABUTI ANG KAPALIGIRAN



 1.  Pagtapon ng basura sa tamang lugar, ito ay upang maiwasan ang pagbaha lalo na dito sa ating bansa, ang Pilipinas. Huwag din magtapon ng basura sa mga ilog upang maiwasan ang pagbara sa daluyan ng tubig.

2.       Pag-iwas sa pagsunog ng plastik para hindi tuluyang masira ang ating “ozone layer” na prumoprotekta sa atin laban sa matinding init na nakakasira sa ating balat.


3.       Gumamit ng papel na lalagyan sa halip ng “plastic bag” dahil masmabilis itong matunaw at para hindi dumami ang mga kalat sa paligid na magreresulta ng hindi maganda sa ating paligid.




4.       Pagtatanim ng maraming puno at halaman para maiwasan ang pagbaha dahil masisipsip ng mga halaman ang mga tubing. Ito rin ay para masmaging maaliwalas ang ating kapaligiran.


5.       Pagtitipid ng tubig para hindi tayo maubusan at para sa hinaharap ay hindi tayo magkakaproblema sa suplay ng tubig at sa tagtuyot.   



1 comment:

  1. Thank you for this amazing information it's help me a lot my class discussion.

    ReplyDelete